Paras balik-PBA at lalaro sa SMBeer

Hindi pa rin maiwanan ni Benjie Paras ang Basketball kaya matapos nito i-retire ang kanyang jersey sa Shell, maglalaro naman ito ngayon para sa San Miguel Beer.

Pumirma si Paras , ang 1989 Most Valuable Player at Rookieof the Year ng dalawang buwang kontrata sa San Miguel ngunit hindi sinabi ang halaga.

Labing apat na taong naglaro si Paras sa Turbo Chargers bago ito nagdesisyong magretiro dahil sa kanyang problema sa tuhod.

Ibinaba ng San Miguel si Billy Moody sa kanilang reserve line-up para bigyan ng slot si Paras na magpapalakas sa Beermen sa kanilang kampanya para sa quarterfinal round ng PBA Samsung All-Filipino Cup.

Maisasalang na si Paras sa unang laro ng Beermen sa susunod na round kontra sa Alaska Aces.

Show comments