Nangako si Torres, dating Palarong Pambansa champion na lumaki sa pangangalaga ng kanyang coach na si Mario Pajarillo sa kanyang secondary years, na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa kanyang pagsabak ngayon kasama si Gabito sa unang yugto ng four-leg Asian Athletics Grand Prix sa hyderabad, India.
"Hindi po masyadong maganda ang performance ko nung nakaraang national open pero nakahanda po ako ngayon na sumabak sa Grand Prix," wika ng 22-gulang na si Torres, tubong Negros Oriental bago ito umalis noong Lunes para sa torneong magtatapos sa June 9 na gaganapin sa Manila para sa ikaapat at huling leg.
Hangad ni Torres, nangitim na sa kanyang masusing pagsasanay para sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre, na higitan ang kanyang bronze medal finish sa Asian Championships noong nakaraang taon sa Sri Lanka kung saan tumalon din si Gabito ng 6.40 metro tulad niya pero natalo ito ng kanyang senior sa tie break para sa silver. Ang gold ay napunta sa Kazakh na lumundag ng 6.61m.
Dahil sa kanilang naturang performance ang dalawa ay na-pre-qualify ng AGP organizers bilang dalawang tanging Filipinang sasali sa 2003 meet. Ang top five sa lahat ng 15 events lamang ang qualified.
Ang RP womens long record ay hawak ng retirado na ngayong si Elma Muros na nagtala ng 6.56 metro sa national open sa Lingayen, Pangasinan noong 1997 at siya rin ang may hawak ng SEA Games mark na 6.52m na kanyang itinala noong 1989 Kuala Lumpur tournament.