Makakaharap ng Water Force ang Hapee sa alas-2 ng hapon na agad susundan naman ng bakbakan ng Jewelers at John-O sa alas-4 ng hapon.
Nagpamalas ng walang kamatayang determinasyon ang Viva nang bumangon sila sa 20-35 deficit sa likuran ng kabayanihan nina Dennis Miranda at Jeff Napa upang maagaw ang trangko tungo sa panalo kontra sa John-O 60-58 noong Miyerkules.
Sa kabilang dako, mas pinapaboran naman ang Hapee dahil dalawang beses na itong nanalo sa eliminations. Una ay sa iskor na 59-42 at ikalawa ay sa iskor na 64-62 sa kanilang out-of-town match.
At katulad naman ng Ha-pee, nais ibangon ng John-O ang kanilang koponan mula sa nakakadismayang kabiguan sa Viva upang muling ulitin ang kanilang 81-64 panalo laban sa Montana noong una silang magharap.
Samantala, sa PBL Mid-gets 13-under, target ng Blu Star-Xavier ang solo liderato sa kanilang pakikipagtagpo sa Regent Cheese Balls para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa alas-9:30 ng umaga at magdedebut naman ang Hapee Toothpaste-Ateneo kontra sa Sunkist sa alas-11 ng umaga.