Selecta Moo, Blu Star nanalo sa PBL midget 13-under

Kapwa tinalo ng Selecta Moo at Blu Star ang kani-kanilang kalaban upang maningning na simulan ang kanilang kampanya para sa titulo kahapon sa pagbubukas ng hostilidad ng PBL Midgets 13-under Tournament sa Pasay Sports Center.

Gumamit ang Selecta Moo ng 27-6 panimula upang kunin ang tempo sa final half at talunin ang Regent Cheese Balls, 82-35.

Isinalpak naman ni Sebastian Francis Tang-cuenco ang 12 puntos sa final half upang trangkuhan ang Detergent Kings sa 60-31 panalo kontra sa Sunkist.

Pinangunahan nina Anton Louis Altamirano, anak ni dating PBA coach Eric Altamirano at Alden Lee Regis ang Selecta Moo sa kanilang kinamadang tig-walong puntos sa first quarter upang kunin ang 48-12 kalamangan sa halftime.

Show comments