Nakababatang Pacquiao idedepensa ang titulo sa Ynares

Nakatakdang idepensa ng nakababatang kapatid ni Manny Pacquiao at kasaluku-yang Philippine Superfeatherweight champion Alberto "Bobby" Pacquiao ang kan-yang korona kontra sa mahigpit niyang kalaban na si dating Philippine featherweight champion Baby Lorona Jr., sa Mayo 24 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang ikatlong pagtatagpo nina Pacquiao at Lorona at kapwa may 1-1 record sa isa’t isa. Noong nakaraang Nobyembre 20, naidepensa ni Pacquiao ang kanyang korona kontra kay Lorona sa pamamagitan ng dikit na unanimous decision. Muling hinamon ang kampeon sa undercard game nina Manny Pacquiao at Serik Yeshmagambetov noong Mar-o 15 at ito ay ang 10-round non-title fight na pinagwagian naman ni Lorona via TKO sa 7th round.

Tinaguriang "Bakbakan sa Ynares" ang naturang pa-boksing ay ipiprisinta ni dating Rizal Governor Casimiro Ynares at iprinomote ni Gabriel "Bebot" Elorde.

Show comments