Ang isang panalo ang tanging kailangan ng twice-to-beat Water Force upang makopo ang huling tiket sa semis at makasama ang Hapee Toothpaste, John -O at Montana sa susunod na round.
Para naman sa Detergent Kings, kailangang dalawang beses nilang talunin ang Viva para makapasok sa semis.
"We offer last nights win to the glory of God," ani Viva coach Koy Banal. "If god really wants us to be in the semifinals, we also have to work harder to prove ourselves worthy of His blessings."
Habang patuloy ang impresibong debut ng Viva, umaasam naman ang Blu Star ng kanilang ikawalong semifinals stint sa liga sapul nang lumahok ito noong second conference o ang 2nd Yakult-PBL Centennial Cup noong 1998.
Ang playoff sa pagitan ng Viva Mineral Water at Blu Star ay isasaere ng live ngayon sa Solar Sports Channel 29 sa ganap na alas-3 ng hapon.
At kapag nakahatak ng semis, umaasam naman ang Detergent Kings sa kanilang ikalawang kampeonato sapul nang mag-runner-up sila sa Ateneo sa 2002 PBL Champions Cup.
At manaig kaya ang karanasan ng Blu Star kontra sa mas batang koponan ng Viva?
Ang kasagutan ay malalaman pagkatapos ng kanilang laban.