"I don't think so," sagot ni commissioner Noli Eala kahapon matapos ang crucial judgement error ng mga referees na sumira sa pagitan ng Shell at Sta. Lucia noong Linggo sa Samsung-All Filipino Cup sa Araneta Coliseum.
Naipanalo ng Shell ang mahalagang larong ito, 78-73 dahil sa di pagtawag ng mga referees ng foul kay Tony dela Cruz na sumalya kay Kenneth Duremdes ng Sta. Lucia na pumukol ng potential game-tying three-pointer, apat na segundo na lamang ang nalalabi sa laro.
Natapos ang laro sa isa pang basket ng Shell at nagwala si Duremdes at sinigaw-sigawan ni Sta. Lucia coach Alfrancis Chua ang mga game referees na sina Boy Cruz (ang crew chief), Joey Calungcaguin at Patrick Canizares.
Pinagmulta si Chua, ngunit hindi sinabi kung magkano, dahil sa kan-yang inasal ngunit hindi ito binigyan ng suspensiyon. Nasuspindi naman ang mga referees ng hindi bababa sa dalawang laro bukod pa sa pagmumulta ng di sinabing halaga.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasuspindi at napagmulta sina Cruz at Calungcaguin dahil kasama sila sa tatlong referees sa Ginebra-Talk N Text game na ni-replay bunga ng technical errors matapos di ma-count ang game-winning basket ni Asi Taulava.
Ngunit sa likod ng mga pangyayaring ito. Tiwala pa rin si Eala sa kanyang mga referees. "We don't think they (referees) have been consistently or deliberately making mistakes. It's part of the game and these are judgement calls. Of course, we hope that it will be fewer and we also hope that the win requirements of consistency and close to perfection can be accomplished by the referees," ani Eala na panauhin sa PSA Forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Manila Pavillion.
"Refereeing is a very difficult job and these referees are entitled to make mistakes but that the leeway is not too much and that they don't make as many mistakes at critical stages of the game. We're doing all we can to improve the officiating," dagdag nito. (Ulat ni Carmela Ochoa)