Ang Dragons ang siyang kauna-unahang national champion ng nasibak na Metropolitan Basketball Association (MBA) noong 1998. Ngayong taon, umaasa ang Dragons na maulit ang kasaysayan sa pagsungkit nila ng unang National Basketball League (NBL) National Championship.
Bagong management group na binubuo ng pamilyar na mga mukha ang siyang kakampanya sa Dragons sa pangunguna ni Lubao town Mayor Dennis G. Pineda at head coach Alan N. Trinidad, Loreto Luma-nog, Albert Alberto at Bobby Ante na siyang aasiste.
Ang koponan ay bubuuin ng pawang mga Kapampangan lineup na babanderahan ng power forward na si Dave Bautista na siya lamang manlalaro na natira mula sa orihinal na Dragons noong 1998, makaka-sama din niya sina Billy Bansil at Arnel Mañalac at Vincent John Santos.
Kumuha rin si coach Trinidad ng mga pinagsamang standouts mula sa local schools sa pangunguna ng University of Assumption Blue Pelicans Welihado Duyag, Romel Dizon, Randy Magpayo at Elbert Alberto. Ang iba pang kasama sa koponan ay sina Rick Coronel, Ronald Ruiz, Erwin Manlutac, Marlon Tadeo at Sherwin Garcia.