Phil. Star solo lider

Nasolo ng Phil. Star ang liderato nang pasubsubin nito ang PLDT, 87-82 sa isang mainitang salpukan sa pagpapatuloy ng Coke Light Invitational Basketball tournament sa Meralco gym.

Ang panalo ay nagbigay sa Starmen, na suportado din ng Adidas, ng siguradong puwesto sa Top 4 sa bisa ng kanilang 3-0 panalo-talo ha-bang nalaglag naman ang PLDT sa ikalawa sa kanilang 2-1 panalo-talo katulad ng defending champion RCBC na nanaig naman sa Red Bull Barako, 94-82.

Hindi napigil ng Phone Pals ang maiinit na kamay nina Cris dela Cruz at Ver Roque na nagtala ng 25 at 24 puntos ayon sa pagkakasunod para pangunahan ang Starmen.

Sa naunang laro, kinapos ang Sunkist sa kanilang tangkang rally at yumuko sa CAR Inc., 99-95.

Show comments