Tour of Isabela: Ravena nanguna

ILAGAN, Isabela--Buong lakas na pumedal si Boler Ravena ng Pangasinan upang mag-isang tahakin ang finish line dito kahapon at pangunahan ang third at final lap ng Tour of Isabela kung saan pumangalawa ang kapwa niya Pangasinense na si Adrian Malanum at tumersera ang Jala-Jala elimination winner na si Dante Cagas.

Ang iba pang siklistang umokopa ng top three mula sa Cordon ay sina Giovani Apolinar, Eric Acosta at Greg Gines, na nanalo ng P1,000, P700 at P500 lap prizes.

At dahil sa naging matagumpay ang nasabing Tour of Isabela, plano ng organizers na magdaos ng Tour of Ilocandia, Tour of Iloilo at sa darating na Linggo ang Tour of Quezon City.

Tumapos rin sa top ten ang two-time Olympian na si Jazy Garcia, anak ng Race Director at two-time Tour of Luzon champion (1973-1977) Jess Garcia na kumatawan sa Gua sa Barcelona noong 1992 at Sydney, Australia noong 2000 mula sa Cordon hanggang Sta. Maria makaraang magsumite ng 5 minutos at 44 segundos para sa ika-12th posisyon sa overall standings sa likod ni Quintia.

Show comments