Blu Star pinigil ng John-O

Nagpakatatag ang John-O sa huling bahagi ng sagupaan upang tuluyan nang patalsikin ang Blu Stars sa kontensiyon para sa awtomatikong semifinals berth sa pamamagitan ng 76-63 tagumpay kahapon sa Sunkist-PBL Unity Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Ranidel de Ocampo ang pag-alagwa ng John-O sa final canto nang isalpak ang 12 mula sa kanyang 16 puntos sa huling dalawang minuto upang kunin ang pangunguna sa NCR division sa bisa ng 7-3 kartada.

Show comments