Semis asinta ng John-O

Dahil sa naging tagumpay ng PBL weekend tour sa Cebu at Bacolod, nangako si PBL Commissioner Chino Trinidad na idaos sa City of Smiles ang unang laro ng best-of-five championship series sa ikala-wang Linggo sa buwan ng Hunyo.

Sa susunod na Linggo, dadayuhin naman ng PBL ang siyudad sa Luzon gaya ng Lipa City, Lucena at sa kauna-unahang pagkakataon sa Tuguegarao--na siyang magiging venue ng All-Stars Game na pansamantalang itinakda sa Mayo 6.

Samantala, tatangkain naman ng John-O na maikamada ang ikalawang awtomatikong semifinals slot sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa Welcoat Paints ngayon sa pagpapatuloy ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa pagbabalik aksiyon sa Pasig Sports Center.

Ang panalo ng John-O sa Paint Masters sa alas-2 ng hapong laban ang magkakaloob ng karapatan sa John-O na samahan ang una ng semifinalist na Hapee Toothpaste.

Sisikapin naman ng LBC-Batangas at Montana Jewels na manatiling buhay ang kanilang tsansa para sa huling awtomatikong semis berth sa kanilang nakatakdang pagtitipan sa alas-4 ng hapon, habang susubukan naman ng RP Team ang lakas ng Blu Star Detergent sa alas-6 ng gabing laban.

Show comments