Little League Philippines hahataw na

SAN PABLO CITY-- Si Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain ang panauhing pandangal sa pagbubukas ngayon ng Little League Philippines sa maikli ngunit makasaysayang opening ceremonies sa San Pablo City Central School oval dito.

May kabuuang 100 teams buhat sa iba’t-ibang panig ng bansa ang lalahok sa two-in-one tourney kung saan maglalaban-laban sa baseball at softball.

May 70 kalahok sa kalalakihan ang umaasam na maging kampeon sa iba’t ibang division -- 11-12, 13-14, 14-16, at 16-18 sa baseball at 30 naman sa kababaihan ang magsasagupa sa apat ding division.

Ang tatanghaling kampeon sa softball sa kababaihan ay kakatawan sa bansa at sa rehiyon ng Asia Pacific sa World Series sa Estados Unidos, samantala ang magkakampeon sa baseball sa kalalakihan ay kakatawan naman sa Asia-Pacific Region elimination na ang magwawagi ay kakatawan sa rehiyon sa World Series.

Show comments