Nakaka-irita ang PBA coverage

Sa laro ng Alaska at Ginebra San Miguel nung isang araw, heto ang limang ipinasok ni coach Tim Cone sa isang stage of the game: Arigo, Allado, Peek, Cortez at Duat.

Ang limang yan ay puro inglesero.

Silang lahat ay mga Fil-Ams.

Walang purong Pinoy sa mga yan.

Yan ang sinasabi ng mga Pinoy players natin na nawawalan na sila ng lugar dahil sa pagdagsa ng mga Fil-Ams dito sa PBA.
* * *
Sa Ginebra, take note, mayroon din silang ingleserong tulad nina Elmer Lago, Alex Crisano, Robert Johnson, Eric Menk at Mark Caguioa.

Pag ang limang yan ang nasa court, laban sa lima ng Alaska, aba, puro Fil-Ams na nga naman ang nasa court.

Tsk-tsk-tsk...
* * *
Wala na nga sa PBL ang kanilang executive secretary na si Nida Oliveros. Anuman ang dahilan, sila-sila na lang ang nakakaalam nun. Basta’t ang balita ko, nakuha na niya ang kanyang separation pay for serving the PBL for 18 years.

That’s good news!

Si Linda Vergara ay executive secretary ng PBA for 25 years.

Nawala rin siya sa eksena a few years ago.

Pero hanggang ngayon yata eh, wala pa siyang nakukuha kahit singkong duling na separation pay for serving 25 years sa PBA.

That’s bad news. Makukuha pa kaya yun ni Linda Vergara?
* * *
Marami ang nagsasabing naiirita na raw sila sa mga PBA anchors at sportscaster na kung anu-anong walang kuwentang bagay ang sinasabi sa ere habang sila ay nagku-cover ng games.

Kapag nanood ka ng NBA games, very seldom na maririnig mo ang mga sportscasters na nagkukuwento ng bagay na walang relasyon sa laro.

Dito sa atin, ibang-iba.

Kung anu-ano ang maririnig mong kuwento na kung tutuusin eh hindi naman dapat kasali sa play-by-play coverage.

Kaya heto ang request ng mga televiewers and take note Comm. Noli Eala.

Sana, mag-focus na lang sila sa laro at tama na yang kuwentong walang kuwenta.

Sana gumamit din sila ng simple language sa basketball na madaling maiintindihan ng manood.

Sey nyo mga kapatid?

Show comments