Humakot si Francis Gerard Jones ng 17 puntos, apat na rebounds at tatlong assists, subalit mas pumukaw ng atensiyon si Warren Ybañez nang siya ay kumayod sa mga krusiyal na bahagi ng labanan upang trangkuhan ang Water Force sa pagpasok sa win column makaraan ang apat na laban.
Ang kabiguan ang ikatlong dikit ng Blades matapos ang apat na asignatura.
Naging mahigpitan ang labanan ng dalawang koponan kung saan tinampukan ito ng pitong ulit na pakikipagpalitan ng pagtatabla at walong ulit na nagpalitan ng trangko na ang huli ay sa 64-63 matapos ang split shot ni Joe Dominguez mula sa foul ni Ybañez na nagdala sa Batangas sa pangunguna sa 4:12 segundo ng labanan sa final canto.
Isang jumper ni Joel Co ang nagpasimula ng 11-2 salvo upang iposte ng Viva ang 68-64 kalamangan may 1:04 na lamang sa laro.