Bago pa man ito, iniisip ko na ngayon ay malalaman ko ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ito hindi lamang ng mga dayuhang turista kundi mismong mga kababayan natin.
Sa unang pagtapak ko makaaran ang 20 minutos na sakay sa bangka, parang hindi naging impresibo ang dating sa akin ng Boracay. (alas-6 na ng gabi ng kamiy makarating dito)
Sabi ko pa nga sa sarili ko, white sand lang ba ang ipinagmamalaki nito?
Puwes, nagkamali ako.
Kinabukasan, naglalakad-lakad pa lamang ako sa kapaligiran ay unti-unti ko ng nae-enjoy ang lugar kasama ang kapwa ko editors na sina Lito Tacujan ng Phil. Star, Edwin Gabutina ng Today, Tito Deblois ng Abante, Jimbo Gulle ng Manila Times, mga sportscribes na sina Badong Hilario ng Bulletin, Waylon Galvez ng Journal, Abac Cordero ng Phil. Star., Dennis Eroa ng Inquirer, Aldrin Quinto ng Malaya, Olmin Leyba ng Bandera at Peter Atencio ng Manila Standard at mga photographers.
Kasi naman pala, hindi lamang ang white sand beaches nito ang dapat maipagmalaki ng Boracay.
Mas marami pa, tulad ng pananatiling malinis ng kapaligiran at ang trabaho para sa mga tagaroon.
Kasi habang kakuwentuhan ko ang isa mga tagaroon nalaman kong bawal pala doon ang mamasukan o magtrabaho ng dalawang klase. Kung ikaw ay tindera sa umaga, hindi ka puwedeng mag-waitress sa gabi bilang extra.
Katuwiran daw kasi, dapat lahat ay magkaroon ng trabaho. O di ba ang galing at least walang tao doon ang walang trabaho.
At isa pang kagandahan ay ang mag-island hopping ka. Dito mae-experience mo ang lahat ng gusto mong maging karanasan. Tulad ng snorkling, scuba diving, jet-skiing at lahat ng nakakapanindig buhok na mga boat rides.
Mapapapasyalan mo ang mas magagandang resort na mga pribado at pag-aari ng mga mayayamang tao tulad ng mga Ayala na siyang nagmamay-ari ng Puka beach, na siyang pinagkukunan ng mga magagandang puka shell na ginagawang kuwintas, purselas at iba pa.
O di ba bongga?
At mas bongga ang mga sea food na siyang nilantakan namin ng husto.
Kaya nga ako, sisimulan ko ng mag-ipon para naman madala ko ang pamilya ko sa Boracay at ma-experience ang mga naging happenings ko.
Pinasaya din ng mga celebrities ang mga tagaroon sa kanilang exhibition matches kung saan naglaro sina Hans Montenegro, Maritoni Fernandez, Nancy Castiliogne, LJ Moreno, at Jake Roxas. Naroon din sina Dyan Castillejo, Paolo Contis na bf ni Nancy na nilalanggam sa kanilang sweetness, Paolo Bediones at namataan din namin si Wendell Ramos na nag-iisa naming nakita.
So bago ko makalimutan ang lahat, salamat sa Nestle Philippines sa kanilang imbitasyon, kay Ed Tamayo ng AMA -Publicis at sa kanyang bata na si Danny Cariño.