Welcoat pinabagsak ng Hapee, 4-0 na

Naitala ng Hapee Toothpaste ang kanilang ikaapat na sunod na panalo nang kanilang pabagsakin ang Welcoat Paints, 75-62 sa Sunkist-PBL Unity Cup kagabi sa San Juan gym.

Sa unang laro, umiskor ng krusyal na basket si Randy Lo-pez sa huling 2.7 segundo ng labanan upang hatakin ng Blu Star ang 61-60 panalo kontra sa ICTSI.

Pinangunahan ni Mark Saquilayan ang Teeth Sparklers sa pagposte ng 11 puntos sa final half upang ipalasap sa Paint Masters ang kanilang ikatlong sunod na talo.

Ang naturang basket ni Lopez ay ang kanyang ikapitong puntos lamang bukod pa sa kanyang pitong rebounds at dalawang assists para sa Detergent Kings na umangat sa 3-1 panalo-talo upang kunin ang liderato sa Luzon Group.

Show comments