Kasi nga, hindi maiwasan na kapag nasa low post ang binabantayan ng mga ito ay napapadiin ang kanilang kamay sa likuran ng offensive player. Tatawagan kaagad ng mga referees iyon.
Mayroon ngang nagsasabing istrikto ang referees sa hand check subalit napapayagan ang mga bungguan sa ilalim na mas grabe ang contact. Pero bahagi kasi ito ng pag-educate sa mga players hinggil sa hand checking. At consistent naman ang mga referees sa pagtawag ng ganitong infraction.
Kaya naman sa ngayon ay masasabing natututo na rin ang mga players kahit paano kung ano ang tamang paraan ng pagdepensa. Naiiwasan na nila ang hand check fouls.
Isa marahil sa naapektuhan ng pagiging istrikto ng referees sa hand check fouls ay si Kerby Raymundo ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs.
Makikitang sa mga unang laro ng Hotdogs sa kasalukuyang Samsung-PBA All-Filipino Cup ay palagi na lamang napapasok sa foul trouble si Raymundo.
At dahil sa dami ng fouls ay numinipis ang kanyang playing time at hindi siya gaanong napapakinabangan ng Hotdogs bagamat maganda naman ang mga numerong naitatala niya. Pagdating sa endgame kung minsay wala na si Raymundo.
Mukhang nabago na iyon. Naiwasan na ni Raymundo ang pagkakaroon ng maraming fouls, hindi na siya naiinis sa kanyang sarili at nakakapag-concentrate na siya nang husto sa laro.
Itoy kitang-kita sa huling dalawang games ng Hotdogs na pawang naipanalo nila. Winakasan ng Purefoods ang four-game losing streak nang talunin nila ang San Miguel Beer, 88-85 dalawang Biyernes na ang nakalilipas. At noong Miyerkules ay naungusan nila ang Talk N Text, 75-73.
Sa larong iyon ay nagsilbi pa ngang bida si Raymundo na nakapagbuslo ng side jumper may 4.2 segundo ang nalalabi. At upang mapreserba ang kanyang kabayanihan at ang tagumpay ng Hotdogs ay sinupalpal pa niya si Noli Locsin sa pagtatapos ng game.
Itoy patunay lamang ng kahalagahan ni Raymundo na sinasabing "future" ng Hotdogs.
Matapos ang walong laro, si Raymundo ay nag-average ng 12.6 puntos, 9.4 rebounds, tatlong assists at isang supalpal. Ang nakakagulat dito ay ang pangyayaring bukod sa siya ang leader ng Hotdogs sa rebound ay siya rin ang leader ng kanyang koponan sa assists.
Ibig sabihin ay handang-handa na nga niyang akuin ang pamumuno sa Purefoods kung ipagkakaloob sa kanya iyon.
Pero matagal pa iyon. Gaya ng nasabi natin, bata pa si Raymundo at mahaba pa ang kanyang lalakbayin. Hindi naman siguro siya nagmamadali.