SMC South All-Star sama sa PBA road trip sa Cebu

Makakasama ang San Miguel Corporation (SMC) South All-Stars team sa Philippine Basketball Association sa kanilang road trip sa Cebu City kung saan lalaro ito ng exhibition match bago ang sagupaan sa pagitan ng All-Filipino Cup out-of-town showdown sa pagitan ng Red Bull at Talk ‘N Text dito.

Nakatakda ang nasabing laro sa Marso 29 sa Cebu City Coliseum.

Makakaharap ng SMC South All-Stars ang selection mula sa host city na binubuo ng mga manlalaro na pawang galing sa commercial league dito.

Ang koponan ay binubuo nina ex-pros Bonel Balingit, Zaldy Realubit, Jay Mendoza, Mike Mustre, Noynoy Falcasantos, Tony Boy Espinosa, Ricric Marata, Lowell Briones, Dondon Ampalayo, Al Solis, Elmer Cabahug at Bernard Fabiosa.

Ang koponan ay gigiyahan ni coach Eric Altamirano at siya ay sasamahan ni SMC vice-president Ira Maniquis.

Maglalaban ang Thunder at Phone Pals sa alas-5 ng hapon.

Ang SMC South All-Stars ang isa sa dalawang koponan na binuo ng higanteng food and beverage conglomerate bilang marketing tool upang palawakin ang kaalaman ng kanilang iba’t ibang produkto.

Ang North All-Stars ay pinamumunuan nina Hector Calma at Chito Loyzaga.

Show comments