Dahil maganda ang laro ni Vergel, nagiging maganda rin ang takbo ng buong FedEx team. Kaya sa ngayon nakahataw ang FedEx at mukhang makakapasok sa susunod na round.
Sana nga magtuloy-tuloy na ang magandang laro ni Vergel.
Matagal na panahon na rin namang hindi nakapagpa-kitang-gilas si Vergel dahil galing ito sa injury. Mukhang nalagpasan na niya ito kaya hayan at humahataw na rin siya.
Nalagasan man sila ng dalawang teams, hayan at may dalawa namang bagong pumasok kaya tuloy-tuloy pa rin ang liga.
Ang PBL ay isa nang liga na sa paglipas ng panahon eh lagi na lang nakaka-ahon mula sa napipintong paglubog.
Kapag may nawawalang team, may dumarating na bago.
Kaya patuloy pa rin ang PBL.
Ngayon, okay naman ang takbo ng bagong conference nila kahit na nalagasan na naman sila ng mga superstars na nagtungo sa PBA last January.
Kahit na anong mangyari buhay pa rin ang PBL!
Tutulungan siya ng mga players ng Ateneo.
I am sure maraming kabataan ang sasali rito lalo na ngat bakasyon ngayon. Ngayon pa lang, binabati na namin si Jolas at ang organizers ng basketball clinic na ito.
Tinatapos na lang daw niya ang kanyang kontrata sa team niya at di na siya magrerenew.
Hirap na hirap siyang tanggapin ang kakaunting playing time na ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang coach.
Kahit anong pilit niya, talaga yatang hanggang dun na lang siya.
Peace and more blessing sa inyo!