Ito ang tinupad ni Woman FIDE Master Sherrie Joy Lomibao nang kanyang talunin si Sherrily Cua sa 42 moves ng French Defense Opening sa 11th at final round upang itakas ang korona sa distaff side ng 2003 Shell National Open Chess Championship kahapon sa Kaban ng Hiyas Bldg., Mandaluyong City Hall, Mandaluyong City.
Hindi man lamang binigyan ng 23-anyos na si Lomibao, solo lider sa kaagahan ng ninth round, ng pagkakataon ang kanyang kala-ban na makaporma matapos na suwagin ang kingside defense ni Cua, naging daan upang magretiro ito sa 42 moves.
Tinapos ni Lomibao, National Open womens champion noong 1998 ang kanyang kampanya sa paglikom ng 10 puntos mula sa siyam na panalo at dalawang draws. Nagbulsa siya ng top purse na P40,000.
Makakasama ni Lomibao sa SEA Games sina Woman International Master Cristine Rose Mariano at ang nakaraang taong champion na si WIM Beverly Mendoza na tumapos ng second at third placers, ayon sa pagkakasunod.
Pinabagsak ni Mariano si Catherine Perena sa 11th round para sa P20,000 premyo, habang nagwagi naman si Mendoza ng P10,000 at ang 2000 champion Joann Toledo ay tumapos ng tersera at ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Sa mens side, itinakda nina FIDE Master Fernie Donguines at National Master Ronald Dableo ang kanilang playoff para sa championship at nag-iisang slot sa SEA Games chess event makaraang tumapos ng 9.5 puntos.