Ang nasabing karera ay nasa ikaapat na sunod na taon na at humakot ng 2,700 runners na tutungo sa starting area sa ganap na alas-6 ng umaga at si Sen. Loren Legarda ang siyang magpapaputok ng baril.
Ang karera bukas ay suportado rin ng Sagip Foundation, Civicom, MMI at inorganisa ng RACE at layunin nito na makalikom ng pondo para sa rehabilitasyon ng Philippine mangroves.
Ang kinita sa unang taong ng karera ay ipinang-suporta sa La Mesa Dam watershed sa kooperasyon ng Bantay Kalikasan ABS-CBN Foundation.
Nakataya sa karerang ito ang kabuuang P74,000, tropeo at medalya. Isang special glass plaque ang siyang ipagkakaloob sa pinakamalaking delegasyon. Commemorative T-shirts naman ang ipamamahagi sa lahat ng kalahok. Ang lahat ng finishers ay tatanggap ng certificates of completion.