Hapee yuko sa Welcoat

Sumandal ang Welcoat Paints sa defensive endgame ni Calijohn Orfrecio upang payukurin ang Hapee Toothpaste, 75-73 sa PBL Outreach Tour sa Makati Coliseum.

Kumana ng 6 points si Orfrecio pero nagningning sa huling 11 seconds nang kanyang mahigpit na nadepensahan si Wesley Gonzales at biguin ang Teeth Sparklers na makahugot ng overtime.

Kinontrol ng Paint Masters ang halos kabuuan ng laban, nang umalagwa ito sa 71-63 sa kalagitnaan ng final quarter.

Pinamunuan ni Paul Artadi ang Welcoat sa kanyang 14 puntos na kanyang itinira sa final 36.3 seconds ngunit agad na sinagot ito ni Ryan Dy upang makalapit sa 73-74 may 17.3 tikada pa ang nalalabi sa laro.

Show comments