Inaasahang si Tenorio ang siyang magiging top pick mula sa 102 rookie draft applicants at ang Nutrilicious na kumuha ng prangkisa mula sa Shark ang siyang makakakuha sa kanya.
Ang John-O ang siyang ikalawa sa draft order, susundan ng Montana Jewels, ICTSI-La Salle, LBC-Batangas, Blu Star Detergent, Hapee Toothpaste at Challenge Cup champion Welcoat Paints.
Hindi pa nagkukumpirma ng kanilang paglahok ang Viva Mineral na siyang bibigyan ng last pick sa draft order at first pick sa dispersal draft ng na-disbandang Sunkist-Pampanga Team.
Matapos na makapili ang Viva, muling iikot ang mga koponan na gaya sa pag-ikot nila sa unang round para naman sa dispersal draft.
Ang lahat ng 102 applicants ay hindi kailangang magpakita sa closed-door rookie draft.
Ibig ng Ateneo Blue Eagles Management na makuha si Tenorio na ida-draft ng Hapee Toothpaste upang makasama ng kapwa niya manlalaro na sina Wesley Gonzales, Rich Alvarez at ang three-point shooter Larry Fonacier.
Ngunit para kay Tenorio kahit saang koponan ay lalaro siya para manatili lamang sa PBL.
Kabilang din sa draft ang 6-foot-5 na si Ian Lester Bayot ng La Salle Team D at Carlo Pobleto ng University of the Philippines na inaasahang pag-aagawan ng mga koponan.