Blu bagsak sa US

Nagpakatatag ang USA-Bingo Bonanza sa huling anim na minuto ng labanan nang pabagsakin nila ang Blu Star Detergent, 76-71, para sa kani-lang ikalawang sunod na panalo sa PBL RP-USA Goodwill Series sa Quezon Convention Center dito.

Nagpamalas ng kanyang kagalingan si Alvin Stephenson nang muling kumana ito ng 22 puntos habang nagdag-dag naman ng 20 puntos si Brando Payton.

Ngunit ang presensiya ng matangkad na si 6’9 Terrence Super ang humadlang sa tangkang rally ng kalaban.

Nauna rito,magaang na winalis ng Welcoat Paints ang Quezon Selection, 91-66.

Nagsama ng lakas sina Mark Pingris at Willy Wilson nang magpa-tumba itong tig-17 puntos upang pangunahan ang 20-8 panimula na siya nilang ginawang tulay sa kanilang one-sided na panalo.

Show comments