Hontivevos matatag na sa desisyon

Kahit sino pa man ang sumalungat, mananatili pa ring matatag sa kanyang paninin-digan si Steve Hontiveros, pangulo ng Philippine Bowling Association sa inilatag na fourpoint criteria ng kanyang Technical Commission.

"I’m here to do my job. We’re not throwing away the people’s money by coming up with this criteria," paunang pahayag ni Hontiveros.

Matapos na ihayag ni Hontiveros ang kanyang criteria sa pagpili ng mga atletang isasabak sa nalalapit na Vietnam SEA Games sa darating na Disyembre ng taong ito, katakot-takot na batikos ang kanyang natamo mula kay Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na sinundan pa ng paghahamon ni Philta president Buddy Andrada ng kanyang pagbibitiw kamakalaw, dahil sa wala umanong sariling desisyon ang una.

Ayon sa PSC chairman, masyadong maluwag ang ipatutupad na kriterya para pumili ng mga atletang ipada-dala sa SEAG na taliwas sa naunang napagkasunduan na tanging ang mga silver medalist sa nakaraang Kuala Lumpur SEA Games at ang mga bronze medalist sa Asian Games ang siyang gagawing basehan.

Subalit biglang nagbago ang desisyon ni Hontiveros at sinabi nito kamakailan na bahala na ang mga National Sports Association (NSAs) ang siyang pumili ng kani-kanilang atleta na ilalahok sa nasbaing biennial meet.

Ang naturang isyu ay lumala ng lumala kung saan maging ang mga NSAs ay kailangang dumistansiya sa sigalot na posibleng maging bunga upang di sila masangkot sa gulo.

Pero sa parte naman ni Hontiveros, wala siyang nakiki-tang kaluwagan sa ipinatutu-pad na kriterya ng Technical Commission na kinaaaniban din ni Andrada at ng apat pang miyembro ng PSC.

"The NSAs will have to justify kung may potential ba talaga ang athletes nila o wala. They will have to present their proof na kayang mag-medal ang athletes sa Vietnam," pahayag pa ni Hontiveros. (Ulat ni Maribeth Repizo)

Show comments