Milo junior netfest

VIGAN – Dinomina nina Nikki Manalo ng Angeles City kasama sina Ronoel Tan ng Agoo, La Union, Patrick Are-valo ng Batac, Ilocos Norte at Manila’s Regina Santiago ang Northern Luzon leg ng 2003 Milo Junior Tennis Cup & Regional Workshop dito sa Vigan hardcourts makaraang mag-poste ng tig-dalawang double championship.

Nasungkit ni Manalo ang korona sa girls’ 14 at 16-under, nagwagi si Tan sa boys’ 16 at 18-under, inumit ni Arevalo ang korona sa boys’ 12 at 14 under, habang ibinulsa naman ni Santiago ang titulo sa girls’ 10 at 12-under divisions ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Adidas at Sports Kids na may sanctioned kay Philta RVP Ferdie Medina bilang Group 2-event.

Show comments