Ang basket ni Asoro at ang triples ni Fernandez may 1:37 ang nalalabi sa laro ang naglayo sa Junior Phone Pals sa 83-75 pangunguna upang iposte ang two-game sweep sa kanilang best-of-three finals.
Tumapos si Asoro ng 28 puntos, habang kumana naman si Fernandez, tinanghal na Most Valuable Player ng 24 puntos para pamunuan ang Junior Phone Pals sa kanilang tagumpay.
"Ayaw nang bumalik ng mga bata sa Lyceum para sa Game 3 kaya tinapos na nila ito," wika ni Junior Phone Pals coach Johnny Tam.