Ang mga nasabing batang talento ay kailangang dumalo sa PBL Rookie Camp na nakasuot ng kani-kanilang damit panlaro sa Feb. 25, alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Makati Coliseum kung saan ang mga PBL coaches ay magkakaroon ng tsansa na makita ang kani-kanilang husay bago simulan ang drafting nakatakda sa hapon.
Gaya ng dapat asahan, ilan lamang sa mga top collegiate leagues gaya ng UAAP at NCAA ang sumali sa draft, gayunpaman, umaasa si PBL commissioner Chino Trinidad na mayroong malaking sorpre-sa na magaganap.
"Actually, were expecting most of the UAAP and NCAA players to join the draft in the second conference. But Im glad to see that more and more of our promising young players from reputable schools looking up to the PBL for a career in basketball," ani Trinidad.
"And Im sure that there will be surprise players with exceptional skills who will come out from this draft. These players will shape up PBL history on its 20th season and beyond," dagdag pa niya.
Nangunguna sa listahan ang Ateneo prized-pointguard na si Lewis Alfred Tenorio na inaasahang magiging top pick para sa rookie draft na lalahukan ng ilang matataas na manlalaro gaya ng 65 aspirant na si Ian Lester Bayot ng La Salle Team D at Carlo Poblete ng University of the Philippines--ang tinatayang pag-aagawan ng PBL teams.
Kabilang sa listahan sina 59 San Sebastian guard Michael Gonzales, 63 San Beda forward James Hudential, 63 FEU forward Jose Antonio Garcia, 64 Jose Rizal University forward Joel Villarin, PYBL products Kirk Bradley at Rajan Domingo, 63 Mark Marcos Abundo, 63 Sandy Limen at 63 Jonathan Paronas ng PSBA.
Anim na Fil-foreigners ang sumali rin sa draft na umaasa na magkakaroon ng basketball career sa Pilipinas.