Ito ang inaasa-hang maisasakatuparan ng koponan ng Sta. Lucia Realty na bukod sa kumuha ng bagong guro, pinagpag din nila ang buong lineup ng ko-onan kung saan umaasa sila na maka-paglulunsad ng bagong dominasyon sa pagbubukas ng 2003 season ng Philippine Basketball Association sa Linggo.
Ang pagdating ng dating league MVP na si Kenneth Duremdes sa Robles franchise matapos ang off-season trade ang nagbigay ng excitement sa koponan, at ang pagsisimula ni Alfrancis Chua, humalili sa dating mentor na si Norman Black ang inaasahang mas magpapalakas sa lineup ng koponan.
Isa ang Sta. Lucia sa dalawang koponan na walang Fil-Am players na gigiya, ngunit hindi ito malaking sagabal upang maimolde ang koponan sa kampeonato.
Ang koponang ito ay nakahanda sa anumang hamon na kanilang haha-rapin.
Ibibigay ng 63" na si Duremdes, isa sa highest paid players sa liga sa kasalukuyan ang kanyang sandata na hindi pa niya naipapakita--isang multi talented scorer na nagagawang umiskor sa kahit na anumang anggulo at nakapagbibigay ng penetration sa kanyang mga ka-teammates.
Ang dating alas ng Alaska ay itinuturing rin ni Chua na isang perpek-tong anchor para sa mabilis na larong estilo niya at hindi problema ang pagtakbo kung ang Twin Towers na sina Marlou Aquino at Dennis Espino ay dominado ang boards gaya ng kanilang ginagawa.
Gayunpaman, ang ginawang pagbalasa ng koponan ay nagpuwersa sa Realtors na pakawalan ang ilan nilang mahuhusay na manlalaro gaya nina Omanzie Rodriguez, Marvin Ortiguerra, Noynoy Falcasantos at Gherome Ejercito, pero nananatili pa ring solido ang supporting cast ng Realtors.
Lumagda si Paolo Mendoza ng long-term extension sa off-season, na magbibigay sa koponan ng mapanganib na banta mula sa labas na magbibigay daan sa mga kalaban para di magipit sina Aquino, Espino at Duremdes sa loob.
Ang koponan ay mayroong back-up sa bawat posisyon.
Sina Jason Webb, ang dating manlalaro ni Chua sa Tanduay at Chito Victolero ang magbibigay ng quality minutes sa likod ni Mendoza para sa point-guard posisyon, habang sina Chris Tan, Jomar Tierra at Allan Yu naman ang magiging back-up ni Duremdes sa 2-guard spot.
Malakas rin ang frontline ng SLR na binubuo naman ng mga relievers na sina Wilmer Ong at Leo Bat-Og.
At ngayon, alam na natin kung bakit sina Chua at Encarnado ay sabik na sa pagbubukas ng nalalapit na season.