Nagtala sina Tolentino at Sonza ng Central Colleges of the Philippines ng 27 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang Junior Realtors sa kanilang ikatlong panalo sa limang laro.
Sumandal naman ang CUSA Selection sa kanilang mas mataas na tie break record laban sa Junior Tigers upang samahan ang walang talong Talk N Text-National Youth A sa outright semis seats sa Air21 supported 18-under tournament na ito na proyekto ni Bert Lina para sa mga players sa six-feet at pataas.
Ang Junior Phone Pals na naka-sweep ng elimination round para sa kanilang 5-0 record, ay namayani naman laban sa Red Bull-National Pool B na pinangunahan ni Colegio de San Lorenzo stand-out Ryan Arana.
Tumapos si Arana ng 19-puntos ngunit ang double teaming sa kanya ng kalaban ang naging daan sa pag-angat ng Phone Pals sa 51-24 kalamangan sa halftime.
Ang natitirang dalawang slot sa semis ang puntirya ng Coke at Red Bull na nakatakdang sumagupa sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Lyceum gym.
Makakalaban ng Junior Tigers ang wala pang panalong UCAA-Shell sa alas-2:00 ng hapon para sa karapatang labanan ang Junior Realtors habang makakasagupa naman ng Red Bull ang Ginebra-NCRAA sa alas-3:30 sa cross over quarterfinals.