Matapos ang tatlong innings, umabante na ang Air Force ng apat na run sa pamamagitan ng two-run homerun ni Virgilio Roxas, ang una sa torneo ngayong taon.
Si Roxas ay may apat na RBI (Runs Batted In) ay sinamahan nina Andoy Velasquez at Ric Jimenez na tigalawa upang pamu-nuan ang Air Force sa pagbomba ng 13-hits sa tatlong Philab pitchers.
Sa kabilang dako, iniligtas ni second baseman Mariano Tambor ang Philab sa kahiya-hiyang pagkatalo nang itinala nito ang kaisa-isang run ng kanyang koponan sa isang fielders choice sa ikaanim na inning.