T"NT-National Youth A, Red Bull-B nanalo

Kapwa pinabagsak ng Talk ‘N Text National Youth Pool A at Red Bull-B team ang kani-kanilang kalaban upang magsosyo sa liderato ng first Bert Lina-Six Feet and Above Junior Basketball Cup sa Sto. Tomas gym.

Humakot ng eksplosibong performance mula sa National University standout na sina Jonathan Fernandez, Edwin Osoro at Brian Ilad ang Talk ‘N Text upang iselyo ang kanilang tagumpay kontra sa Shell-UCCA, 96-57 at iposte ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Isinalba naman nina Conor Oreta at Darryl Bautista ang Red Bull nang iposte ang 67-60 panalo kontra Sta. Lucia-CUSA sa dalawang ling-gong tournament na ito.

Sa iba pang laro, sumandig ang Coca-Cola National Youth Pool C sa apat na NCAA standouts nang kanilang patiklupin ang Ginebra-NCRAA, 87-70 upang bumangon mula sa kanilang 64-75 pagkatalo sa Talk ‘N Text.

Show comments