Red Lions tinuhog ng Knights

Pinalawig ng Letran College ang kanilang winning streak sa anim noong nakaraang Sabado makaraang hiyain ang San Beda College, 2-1 sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ibinigay ni Emerson Ocampo ang 1-0 kalamangan ng Red Lions nang kanyang mapagwagian ang unang singles kontra kay Carlito Rojo, 6-2, 6-3. Ngunit bumangon ang Knights sa likod nina Michael Munta at Mendandro Econg na umiskor ng 2-6, 6-4, 6-2 panalo kontra kina Borgs Solpico at Ocampo, pero isiniguro ni Econg ang panalo sa pamamagitan ng 6-2, 6-2 panalo kontra kay Solpico.

Napanatili naman ng San Sebastian College ang solo second place sa kanilang 5-0 win-loss record matapos na yanigin ang Jose Rizal University, 3-0.

Pinaganda naman ng Philippine Christian University ang kanilang karta sa 3-2 makaraang iposte ang 3-0 pamamayani laban sa University of Perpetual Help-Rizal.

Sa juniors division, hiniya ng PCU ang UPHR, 3-0 upang makisosyo sa liderato sa College of St. Benilde na mayroong 5-0 karta.

Show comments