Coca-Cola may ibubuga

MALOLOS – Kahanga-hangang laro ang ipinamalas ng Coca-Cola Tigers kontra sa FedEx Express upang iposte ang 101-77 panalo sa CEU Centrodome kagabi.

Ang panalong ito ang nagpakita ng kahandaan ng Tigers sa pagdedepensa ng kanilang hawak na All-Filipino Title na magbubukas sa Pebrero 23.

Impresibong laro ang ipinamalas nina rookie Reynel Hugnatan at Poch Juinio kasama ang ilang tryout players na sina Jeck Chia at Rob Wainwright upang lukuban ang pagkawala ng kanilang mga key players.

Tumapos si Hugnatan ng 20-puntos kasunod si Juinio na may 16 para sa Tigers na di nakaasa kina Jeffrey Cariaso, Johnny Abarrientos, Estong Ballesteros, Freddie Abuda at Chris Bolado na pawang may mga injuries.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng FedEx sa Pre-season Games matapos yumukod sa Purefoods noong nakaraang linggo.

Show comments