Ang do-or-die match ay gaganapin sa Linggo (Feb. 9) sa alas-12:00 ng tanghali.
Iniligtas ni Nico Faller ang Taft-based squad nang kanyang ipanalo ang deciding singles laban kay Art Philip Calingasan, 6-1, 6-1.
Ang Green Netters ni Roland Kraut ay nakauna sa 1-0 pamumuno matapos ang panalo ni national junior champion Yannik Guba kontra kay Pius Ocampo sa unang mens singles, 6-0. 6-1.
Ngunit nakatabla ang Growling Tigers ni coach Karl Santamaria, sa 1-1 nang igupo nina Maclean Barraquias at Art Thomas Calingasan ang tambalan nina Andre Cruz at Gino Almario, 6-4, 6-2 sa doubles.
Sa iba pang laro, blinangko naman ng University of the Philippines ang Ateneo de Manila, 3-0 para sa konsolasyong ikatlong puwesto.