Unang magtatangka ang Dazz Dishwashing Paste na haharap sa Blu Detergent sa main game dakong alas-5 ng hapon kung saan ang mananalo rito ay pagkakalooban ng twice-to-beat advantage.
Buhay at kamatayan naman ang nakataya para sa engkuwentro ng LBC-Batangas at ICTSI sa alas-3 ng hapon sa huling semifinals berth para sa wild card entry.
Taglay ng Greeasebusters at Detergent Kings ang 1-1 card sa kanilang personal record kung saan unang nanaig ang Blu, 90-78 sa out-of-town game sa Tarlac noong nakaraang Nov. 23, habang nakabawi naman ang Dazz sa 83-69 sa Baguio noong nakaraang Dec. 4.
"Were given another chance and I told the boys not to let this opportunity slip through our hands again. So weve considered all factors to ensure this victory," wika ni Blu coach Leo Isaac.