Sa pagdating ni Demape, nangangahulugang malaking player ang kukunin ng Purefoods sa Annual Draft sa darating na Linggo sa Glorietta.
Sa kabilang dako, dahil nakakuha ng mas mataas na pick ang Phone Pals, inaasahang gagamitin nila ito sa pagkuha kay Enrico Villanueva, ang sentro mula sa Ateneo.
Sinisikap naman ng Talk N Text na i-trade si Don Camaso sa Alaska kapalit ng 10th pick overall ng Aces.
"We have been needing a point guard for a while. So now, the draft plan is to try and get a big man," ani Eric Altamirano coach ng Pure-foods. "We are eyeing either (Reynel) Hugnatan, (Adonis) Sta. Maria or (Billy) Mamaril. But we are not discounting the possibility of choosing (Sunday) Salvacion."
Kinokonsidera ng Aces ang alok ng Talk N Text para kay Camaso ngunit kailangang pag-aralan pa nila itong mabuti. (Ulat ni Carmela Ochoa)