Ito ang natirang bilang ng mga rookie applicants matapos ang masusing pagrerebisa ng PBA sa mga dokumento tulad ng birth certificate at confirmation mula sa Department of Justice na ipinasa ng mga aspirants sa PBA.
Nangunguna sa listahan ay ang Fil-Am na si Mike Cortez, ang star player ng La Salle na kasama sa 13 na Fil-foreign players na pagpipilian.
Nangingibabaw din ang pangalan nina Romel Adducul, Enrico Villanueva, Eddie Laure, Sunday Salvacion, John Ferriols, Reynel Hugnatan, Marlon Legaspi, Billy Mamaril at Ronald Tubid.
Sina Adducul, Villanueva, Laure, Salvacion, Ferriols, Hugnatan, Le-gaspi, Mamaril at Tubid ay inaasahang makukuha sa first round.
Inaasahang sina Cortez at Adducul ang top two picks. Nagdadalawang isip pa ang Alaska na unang pipili sa draft kung gagawin nilang top pick si Cortez.
Desidido naman ang Barangay Ginebra, ikalawang pipili sa drafting, na kunin si Adducul, ang dating MBA superstar.
Karamihan sa mga aplikante ay galing sa nagdisbandang Metropolitan Basketball Association at ang iba ay sa Philippine Basketball League.
Kasama sa kumpletong listahan sina Richmond delos Cientos, Eugene Tejada, Joseph Lee Dominguez, Stephen Padilla, Khomar Khans-roff, Paul Kelani Ferreira, Clarence Cole, Jimmy Alapag, Sanley de Castro, Abraham Gabriel Pagtama, Mark Caguco, Jeck Chia, Melvin Taguines, Aldrich Reyes, Chris Guinto, Dennis Madrid, Rysal Castro, Michael Peteros, Adonis Sta. Ma-ria, Bruce Dacia, Carlos Sayon, Dustin Coloso, Francis Rauschmayer, Tom Arceno, Jenkins Mesina, Richard Hardine, William Kahi Villa, Ariel Capus, Egay Echavez, Leo Bat-og, Harvey Ca-rey, Jeffrey Sanders, Arnold Calo, Ramil Ferma, Leodito Yanogacio, Cyrus Baguio, Dennis Morante, Michael Roland Bravo, Jerry Payot Jaca, Rosauro Luis Savador Jr., Ralph Rivera, Christopher Cor-bin, Rendel dela Rea, Vincent San Diego, Jose Leonito Villar, Rob Johnson, Sunny Boy Margate, Francis Oliver Machica, Raymund Soto, Edwin Pimentel at Brando Lee Kaui Cablay.