Ang Awards Night ay gaganapin sa Holiday Inn Manila na magsisimula sa alas-7:00 ng gabi.
Pinangungunahan nina Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain kasama ang kanyang commissioners na sina Cynthia Carrion, Butch Ramirez, Leon Montemayor at Mike Barredo, House Committee on youth and sports chairman Monico Puentevella, Games and Amusements Board chairman Eduardo Villanueva, Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Lyvia Honeygirl de Leon, Philippine Amusements and Gaming Corporation Chairman Efraim Genuino at dating PSC Commissioner at Gab Chairman Dominador Cepeda.
Pinangungunahan naman nina Frank Elizalde, kinatawan ng International Olympic Committee sa bansa at ni Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit ang mga bisita mula sa pribadong sektor.
Kabilang sa mga pangunahing invities ay ang mga pinuno ng national sports associations sa ilalim ng Philippine Olympic Committee, Philippine Basketball Association, chairman Butch Alejo at Commissioner Noli Eala, Philippine Basketball League chairman Dioseldo Sy at Commissioner Chino Trinidad at managers ng ibat-ibang PBA at PBL Ball Clubs gayundin ang mga pangulo ng sports clubs at organisasyon.
Ayon kay PSA president Roberto Cuevas, ang mga imbitasyon ng mga sports honorees ay ipinamigay na ngunit para sa mga di makakatanggap, maaaring makuha ito sa reception table sa Awards Night.
Ang formal gathering na ito kung saan inimbitahan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang panauhing pandangal at guest speaker ay ipapalabas sa NBN-4 kung saan ang masters of ceremonies ay sina basketball superstar Alex Compton at Patricia Bermudez.
Ito ay sponsored ng Red Bull, Agfa at Photokina Samsung, San Miguel Corporation, PCSO, PSC at Adidas.
Si World Boxing champion Manny Pacquiao ang paparangalang Sportsman of the Year habang ang Asian Games gold medalists na si Mikee Cojuangco ng equestrian ang Sportswoman of the Year.