Bunga ng panalo, nakopo ni Songcuya II ng La Salle Greenhills, na nagtala ng 40-move draw kontra Aices Salvador ng Manila ang una sa siyam na pinaglabanang final slots ng koponan na tutungo sa World Open Chess Championships sa Hulyo sa Philadelphia.
Nasungkit naman ni Salvador ang ikalawang finals berth matapos na iposte ang kanyang panalo kontra JC Marquez sa 32-sulungan ng Caro-Kann, habang pumangatlo si Buenavista na umiskor ng upset na laban kay Joshua Kirk Ver.