Kahapon ay nakumbinsi ni Buddy Encarnado si Chua na pumalit kay Norman Black bilang coach ng Realtors.
Noong unay ayaw ni Chua na kunin ang naiwang posisyon ni Black na sinibak kamakalawa dahil ang dalawa ay naging matalik na magkaibigan.
"Ang laking problema nito, kaya lang ano naman ang magagawa ko I have a contract with the team," ani Chua.
Si Chua, dating coach ng nagdisbandang Tanduay Gold Rhum, ay may kontrata sa Realtors ng hanggang 2005.
Matapos makopo ng Sta. Lucia ang titulo sa Governors Cup ay nabigyan ng extension si Chua.
Hindi naman naging madali para kay team manager Buddy Encarnado na kumbinsihin ang dating assistant ni Black.
"It took me sometime to convince him but ultimately, he saw the merit of my proposal and accepted it," ani Encarnado. "With due respect to the old coach, let me make it clear, were the one who made the offer to Chua. A talented coach like is needed in the PBA."
Ayon kay Encarnado, naniniwala silang malaki ang magagawa ni Chua sa bagong direksiyong nais tahakin ng Sta. Lucia.
Sabi pa ni Encarnado, nais pa rin ni Chua na makasama si Black at sa katunayan ay inalok pa nito na hatiin na lamang ang kanyang suweldo.
"It was not about economics but only about direction," ani Encarnado. "Al was magnanimous he still wanted to be with coach Norman Black. But we decided to have a clean slate. We dont want the things of the past. Kung yung luma pa rin baka ma-dilute si Alfrancis,"
Sisimulan ni Chua ang kanyang pagiging coach sa unang praktis ng koponan sa taong ito sa susunod na linggo.
Nangako si Encarnado na ibibigay ng management ang kanilang buong suporta kay Chua. "We will give him free hand in forming the team."