Politician nag-regalo sa celebrity

Parang kailan lang na pinaghahandaan natin ang Pasko at ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Kay bilis talaga ng panahon noh?

Ngayon, balik na lahat ng tao sa realidad at natapos na ang mahabang pagbabakasyon. Sa Linggo, Three Kings naman.

Tapos, ang paghahandaan naman natin ay ang Valentine’s Day. Sus!
* * *
Ilan lang sa mga bagay na nakakakilig hintayin kung mangyayari ngayong taon na ito ay ang sumusunod:

Magpapakasal na kaya sina LJ Moreno at Rob Wainwright?

Magkakaroon na kaya ng bagong girlfriend si Rudy Hatfield o magkakabalikan pa kaya sila ni Ruffa Mae Quinto?

Malalaman na kaya natin ang tunay na relasyon nina Maricar de Mesa at Don Allado?

Magkaka-asawa na kaya ang player na noon pa’y natsi-tsismis na magpapakasal pero lagi namang hindi natutuloy?

Magkakabalikan pa kaya ang isang sikat na player na nahiwalay sa kanyang asawa?

Babae o lalake kaya ang magiging anak ng bagong girlfriend ng isang sikat na player na nahiwalay sa kanyang misis?

Maging mabait, magpakumbaba at matino na kaya ang isang papasikat na sanang Fil-Am na naudlot ang pagsikat?

Magdi-disband na nga ba ang isang PBL team dahil sobra na raw ang gastos ng may-ari pero wala ring nangyayari sa team?
* * *
Napakasuwerte daw ng isang sikat at matangkad na basketball player na nagkaroon ng girlfriend na isang celebrity.

May isang mayamang politician na nagbigay ng regalo dito sa babaeng celebrity. Hindi naman diretsong nanliligaw si politician kay celebrity. Siguro’y nakatuwaan niya lang bigyan ito ng mamahaling regalo.

Aba, aba, si celebrity naman eh ibinigay ang mamahaling regalo ni politician sa kanyang mahal na mahal na basketball player.

Walang kamalay-malay si politician na ang kanyang binili eh na kay basketball player na.
* * *
Ligaw ng ligaw ang isang bading sa isang sikat na college at PBL player.

Nagtataka siya kung bakit dine-dedma siya ng naturang college player.

Ano ang dahilan?

May girlfriend na pala si college player na ubod ng yaman at kahit anong luho niya eh ibinibigay sa kanya.

Kaya hindi na niya kailangan si bading.
* * *
Happy birthday to Allen Patrimonio today, January 3.

Show comments