Ilan na naman kaya sa mga Fil-Ams na ito ang peke?
Malalaman natin....
Marami ang naghihintay sa resulta nito.
Importante ito para sa PBA , lalung lalo na nga na sa darating na drafting eh sangkaterba na namang Fil-Ams ang nag-apply.
May mga nagsasabi na yung mga players daw na alam nilang peke ang dokumento nila eh voluntary na lang ang gawing pagbalik sa US at huwag nang maglaro para sa 2003 season.
Sinu-sino kaya ang mauuna?
Ang sarap talagang mag-champion!
Yung hawak niyang team doon eh laging kulelat bago siya dumating. Ang laging nagtsa-champion doon eh yung Aspac team. Pero ngayon, medyo nanganganib na rin ang dynasty nila dahil sa biglang pagsibol ng team ni Nat.
Bilib na bilib kay Nat yung mga may-ari ng team dahil mula sa favorite whipping team eh ngayon, pang-championship na agad ang team nila.
Kailan lang, naloka ang ibang mga Indonesian basketball teams dahil biglang-bigla, nasa finals na ang team ni Nat. Second placer lang sila pero napakalaking achievement na ito para sa dating nangungulelat na team.
Mabuhay ka, Coach Nat at patuloy mong itayo ang bandila ng Pilipinas sa Indonesia!