Nagpamalas ng impresibong laro si Tierro upang silatin ang second seed na si Gino Bautista, 6-2, 7-5 upang isaayos ang titular showdown laban kay Janjie Soquino ng Cebu na nanalo naman kay Borgs Solpico, 6-3, 6-3 para sa premier boys 18-under crown.
May tsansa para sa double title si Tierro matapos ang 6-0, 6-2 panalo kay Michael Lanuevo sa junior mens 21-under category laban sa PCA Open semifinalists na si Niño Salvador na nakaungos kay Emer-son Ocampo, 6-2, 7-5.
Nagpamalas naman ng katatagan si Riego de Dios sa endgame upang pabagsakin si no. 2 Arithmetico Lim, 6-4, 6-4 upang isaayos ang pakikipag-harap kay Nestor Celestino ng San Beda, 6-3, 7-6 na nanalo kay Ed Angelo Diez ng Davao sa boys 16-under bracket ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids na Group 2 Philta sanction.
Ang iba pang finalists ay sina Bernardine Siso laban kay Akio Sy sa unisex 10-under, Gerard Ngo at James Canete sa boys 12-under, Russell Arcilla Jr. at James Murell sa boys 14-under age group.
Sa kababaihan, makakaharap ni Sarah Lim si Nikki Manalo sa girls 12-under; magtutuos sina Jessica Agra at Manalo sa girls 14-under; Ara Micayabas at Michelle Panis sa girls 16-under; at Panis laban kay Tracy Bautista sa girls 18-under division.