Humakbang din si Siso sa second round ng unisex 10-under division kasama sina Juan Gabriel Pena na nagtala ng 6-0, 6-1 panalo kontra Marvin Tipace; Leander Lazaro na humiya kay Jan Garcia, 6-1, 6-2, Dennis Alano na nakaungos kay Roman Floreza, 6-1, 6-2; Noel Agra na tumalo sa kalabang si Kevin Mamawal, 6-0, 6-1; Juan Pocholo Macalino na sumibak kay Calvin Canlas, 6-1, 6-1; Sarah Lim na bumokya naman kay Ana Patrimonio, 6-0, 6-0; Zhane Quitara na gumapi kay Chynna Mamawal, 6-2, 6-0 at Remar Hernandez na nakalusot naman kay Martin Libao, 6-2, 6-2.
Ang iba pang nanalo ay sina Atienza sa boys 12-under class kasama sina Rodel Navarro na nagtagumpay laban kay Jacob Lagman, 6-1, 6-2.