Itoy makaraang ipagkaloob na kahapon ni Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo ang kanilang insentibo bilang pamasko na nagkaka-halaga ng mahigit sa P11.5 milyon sa isang simpleng seremonya na ginanap kahapon sa Villamor Golf Clubs Social Hall.
Kasabay ng pamamahagi ng mga insetibo, tinagubilinan rin ng Pangulo ang mga sports officials, gayundin si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na magsagawa ng maagang preparasyon bilang paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Hanoi, Vietnam.
Matatandaan na nag-uwi ang bansa ng tatlong gintong medalya, pitong pilak at 16 tanso na nagkaloob sa Philippines ng magandang pagtatapos sa 16-taong edisyon ng Asiad.
"The President is really happy with our athletes performance in Busan that she made mention of preparing early for next years SEA Games in Vietnam for us to win more gold medals," wika ni Buhain.
Ang naturang insetibo ay nakapaloob sa Republic Act 9064 o kilala bilang Athletes and Coaches Incentives Act na pinondohan ng Malacañang sa tulong ng PAGCOR.
Ang mga atletang tumanggap ay pinangunahan nina Paeng Nepo-muceno at RJ Bautista ng bowling, tandem nina Antonio Lining at Django Bustamante sa billiards at Mikee Cojuangco-Jaworski na kinatawan ng kanyang ama na si Peping Cojuangco na tumanggap ng tig-P1M.
Karagdagang P500,000 pa ang naibulsa ni Mikee matapos na makisosyo sa show-jumping team competition na binubuo nina Toni Leviste, Danielle Schulze Cojuangco at Michelle Barrera.
Ang iba pang nabiyayaan ay sina silver medalists CJ Suarez, Chester King at Botchok Rey (mens trios, bowling), Liza Clutario, Jojo Canare, Cecille Yap, Irene Garcia-Benitez at Liza del Rosario (womens five player team, bowling), Warren Kiamco (9-ball singles, billiards), Rexel Nganhayna (mens 56-kg sanshou, wushu), Marvin Sicomen (mens 52-kg sanshou, wushu) at Harry Tanamor (lightflyweight, boxing).
Ang bronze medalist ay pinangunahan naman ni Efren Bata Reyes (8-ball singles, billiards), Jaime Recio, Jethro Dionisio at Eric Ang (mens trap team, shooting), Carmelette Villaroman, Ria Quiazon at Heidi Chua (womens team, golf), Bobby Co (mens tajiquan, wushu), Daleen Cordero (womens flyweight, taekwondo), Arvin Ting (mens changcuan, wushu), Jethro Dionisio (mens trap individual, shooting), Cherli Tugday (womens individual kata, karatedo), Liza Clutario (womens singles, bowling), Sally Solis (womens middleweight, taekwondo), Veronica Domingo (womens welterweight, taekwondo), Eduard Fola-yang (mens 65-kg sanshou, wushu), Tshomlee Go (mens flyweight, taekwondo), Alvin Ampos-ta at Nestor Cordova (mens lightweight rowing), Gretchen Malalad (womens kumite, karatedo) at Dindo Simpao (mens middleweight, taekwondo).