Imbestigasyon sa Fil-shams minamadali ng local PBA cagers

Minamadali ng mga local players ng Philippine Basketball Association (PBA) ang senado kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon nito sa mga Fil-foreign players upang maipatapon na palabas ng bansa ang mga ito.

Sinabi ni Senator John Osmeña na kinausap siya ng mga local players ng PBA noong Linggo matapos manood ito ng laro sa Araneta Coliseum upang madaliin ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa mga Fil-foreign players na may mga pekeng dokumento.

"I told them it is a very tedious process because we will have to reverse the documentation that they recieve," wika ni Osmeña sa mga players.

Iginiit naman ni Senator Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports na hindi kasalanan ng senado kung naging mabagal man ang takbo ng kanilang imbes-tigasyon.

Sinisi ni Barners ang Bureau of Immigration dahil sa pagiging bulag nito sa katotohanan sa kabila ng kawalan ng Filipino ID ng ilang Fil-foreign players ay walang ginagawang hakbang ang nasabing ahensiya.

Ayon kay Barbers, ang pinakasimpleng requirements na ito sa mga Fil-foreign players ay hindi nila masunod kaya dapat lamang na simulan na agad ng BI ang summary deportation process sa mga ito.(Ulat ni Rudy Andal)

Show comments