Ito ang ikaanim na pagkatalo sa 10-laro ng John-O na naglagay sa alanganin ng kanilang kampanya para sa wild card entry patungo sa crossover semifinals.
Sa simula pa lamang, naging palaban na ang Sunkist-Pampanga sa pangunguna ni Wilson na humakot ng 11-puntos sa ikalawang quarter para sa kanilang 53-41 kalamangan sa halftime na kanilang pinalobo sa 14-puntos sa ikatlong quarter.
Dahil wala nang pag-asa ang Sunkist-Pampanga at Cheese Balls-Shark sa 4-0 incentive, ang no. 1 team sa Group B pagkatapos ng ikala-wang round ng eliminations ay may karapatang kalabanin ang no. 4 squad sa Group A para sa huling semifinals berth.
Ngunit unti-unting naupos ang malaking kalamangan ng Juicers nang magtulong sina Bryan Olaguer at Mark Macapagal para ilapit ang John-O sa 64-65 sa pagtatapos ng third quarter.
Kumayod naman si Ricky Calimag sa final period para kunin ng John-O ang 74-71 kalamangan ngunit kumulapso ang kanilang open-sa na nagbigay daan para kunin ng Sunkist-Pampanga ang 80-77 kalamangan, 17 segundo na lamang.