Tumapos si Johnson ng may siyam na puntos, walong rebounds, pitong assists at limang steals kabilang ang winning basket sa huling 7.6 segundo ng labanan.
Nawalang saysay ang minadaling buzzer-beating attempt ni Mark Macapagal para sa John-O na siyang naging daan sa ikalimang panalo ng ICTSI Archers sa siyam na laro.
Mula sa 79-72 kalamangan ng ICTSI, humataw ang John-O ng 10-2 run upang kunin ang 82-81 pangunguna, isang minuto na lamang ang oras sa laro.
Nakuha ni Ranidel De Ocampo ang posesyon para sa John-O ma-tapos magmintis si Joseph Yeo ngunit nagmintis din ito sa kanyang sariling attempt.
Pinamunuan ni Mark Cardona ang ICTSI sa kanyang itinalang 24 puntos. (Ulat ni CVOchoa)